Sana


Matagal ng sarado ang puso ko sa pagmamahal,


Napagod na sa matagal na pahon ng kahibangan,

Masaya na ang mundo at tahimik na mag-isa,

Kaya lang biglang nakilala kita.


Kaya……

Nahibang, napraning, nawindang ang mundo,

Kinilig, kumabog na naman ang dibdib ko,

Muling nabuhayan ang puso kong bato,

Tangina, tinamaan na naman ako.


Pero…, ang mahirap malabo ang lahat sa atin,

Di kasi tayo nag-uusap at bihira kang mamansin,

Kaya ngayon kontento na 'kong araw-araw na makita ka,

Sana nga isang araw maging tayo na......????

0 comments: