Sa Bus



Madalas ang akala ko umiiwas ka,


Pakiramdam ko ayaw mo kong makasama,

Pero isang araw nagulat nalang ako sayo,

Kasi di kalang sumabay, kundi umupo pa dito sa tabi ko.


Isipin ko palang na makakasama ka di na ko makapaniwala,

Pero ngayon nalaman ko na meron nga palang himala,

Di lang tayo magkatabi ngayon, nag-uusap pa tayo,

Nagtatawanan, minsan nagkakatinginan sakay ng bus papuntang Recto..


Ngayon pangatlong araw na nating magkasabay pauwi,

At talagang sumaya at kinilig ako sa bawat sandali,

Sana ito na ang katuparan ng mag pangarap ko,

Kung saan-saan ko pa pinagpapaplano,

Sa bus lang pala magkakatotoo.

image source:

isbe.state.il.us

0 comments: