Friday Na

















Buti nalang friday na
Salamat naman at makakapahinga
Ilang araw na ring nagtitiis
Mag enjoy sa trabaho kong kainis
Bukas lamierda na ulit
Makakapag mall at sine kahit saglit
Susulitin ko ang maghapon
Na malayang-malaya
Kumpara sa buhay ko
Sa opisana na parang
Bahay ni kuya sa tv
Lahat ng galaw mo di makukubli
Monitor nila kausap o ginagawa mo
Kulang nalang pakinggan
Pati utot ko....
Hay, di na sila magbabago....
kaya ayoko ng mamoblema
Ang mahalaga ngayon masaya ko
pagdating ng weekend araw ko panalo...
Para na rin akong tumama sa lotto
basta friday na excited ako.

image source:
sodahead.com