Untitled 2020



Trying hard akong maisalba kung ano pa ang meron tayo,
pero walang direksyon at hindi ko na alam kung saan tayo patungo,
same ka pa din at kulang ang effort na ginagawa mo,
ikaw pa din ba yung taong kakilala ko?

nandyan ka lang sa malapit, pero hindi kita maramdaman,
parang may malaking pader nasa ating dalawa'y humaharang,
pwede ka namang magsalita at willing akong makinig,
sabi ko naman di ba, pwede mag share ng nasasa-isip.

ang gustong ko lang naman maramdaman ka ulit,
gusto ko ding maintindihan at sagutin ang mga bakit?
gusto kong bumalik at magsimula tayo sa umpisa,
at matuto sa pagkakamali nating dalawa.

dati kasi ang alam ko okay namang lahat,
maraming kulang pero napupunuan naman at sumasapat,
pero biglang sumambulat ang malaking problema,
at narealized ko lahat ng mali at kulang sa ating pagsasama.

pero paano ko itong gagawin na mag-isa?
kailangan ko ng teamwork para sa pagresolba,
sa mga problemang nagpapahina sa ating relasyon,
sana magtulong tayong lumaban sa mga hamon.

Nanghihina na din ako at di ko kayang lutasin lahat,
masyado akong nasaktan sa sikretong sumiwalat,
pero gusto kong ayusin natin kung ano pa man ang natitira,
para di tayo magwakas sa pagdurusa.

Image source:
alphacoders.com

0 comments: