Karayom


ako yung tipo ng tao na hindi umaatras sa laban
maging sapakan, suntukan o sabunutan man
pero kailan lang aking natuklasan
ang katapat ko pala ay karayom lang.


ako din ung tipo ng hindi mapapaiayak ng ganun-ganun lang
o di kaya'y aayaw sa anumang sagupaan
hwag na hwag mo lang ako na tutusukan
maging swero or injection takot ako dyan.

at lalong di mo ko masisindak agad
pero sa karayom maliit o malaki ang takot ko hanggang buto sagad
kaya di bale makipag-away ako ng buong taon
hwag na hwag lang ba sa akin karayom ay hahamon
ay kayang-kaya kong harapin ano mang pagkakataon.

0 comments: